!!> Read ➮ Walong Diwata ng Pagkahulog ➲ Author Edgar Calabia Samar – Reliableradio.co.uk

Walong Diwata ng Pagkahulog Malungkot Mabigat Naligaw Naghanap Nahulog.Paulit ulit ko itong nararamdaman habang binabasa ko ang libro,kahit pa paputol putol ang kwento iba ibang bigat sa kalooban ang hatid nito.Habang nahuhulog ka mapapagtagni tagni mo ang bawat kwento at makakabuo ng maraming tanong Maraming marami Ngunit sa huli masasagot ang mga tanong, mabibigyang linaw ang lahat Teka lahat nga ba talaga Kailangan bang may sagot sa lahat ng bagay O mas dapat tanggapin dahil kailangang mangyari.Teka kahit ako Malungkot Mabigat Naligaw Naghanap Nahulog.Paulit ulit ko itong nararamdaman habang binabasa ko ang libro,kahit pa paputol putol ang kwento iba ibang bigat sa kalooban ang hatid nito.Habang nahuhulog ka mapapagtagni tagni mo ang bawat kwento at makakabuo ng maraming tanong Maraming marami Ngunit sa huli masasagot ang mga tanong, mabibigyang linaw ang lahat Teka lahat nga ba talaga Kailangan bang may sagot sa lahat ng bagay O mas dapat tanggapin dahil kailangang mangyari.Teka kahit ako nawi wirduhan na sa mga pinagsasabi ko, basta alam ko 5 stars ito dahil napadama niya sakin ang pinakamalungkot na kwento, tagos talaga eh Buti na lang at tinigil ko ang pagbabasa nito nang panahong gulung gulo ako, kungdi baka magawa ko ang bagay na ginawa ni Erik, dahil maiisip kong walang saysay ang lahat, lahat tayo mauuwi sa wala. May isang laro akong biglang naalala Kunin ko daw ang pangalan ng aking alaga at ikabit ang ngalan ng kalye ng aming tirahan Ito daw ang screen name ko kapag naging boldstar ako.Blackie Bonifacio.Masagwa Di Kaaya aya Di nakakalibog, ika nga, epic fail Akala ko, ganoon din ang pakiramdam ko kapag natapos ko ang kwento ni Daniel Hindi naman pala Iyun nga lang, nanghihinayang ako at kathang isip lang siya Marami kasi kaming pwedeng pagusapan tungkol ke Mr Murakami, maghahanap ng balon at s May isang laro akong biglang naalala Kunin ko daw ang pangalan ng aking alaga at ikabit ang ngalan ng kalye ng aming tirahan Ito daw ang screen name ko kapag naging boldstar ako.Blackie Bonifacio.Masagwa Di Kaaya aya Di nakakalibog, ika nga, epic fail Akala ko, ganoon din ang pakiramdam ko kapag natapos ko ang kwento ni Daniel Hindi naman pala Iyun nga lang, nanghihinayang ako at kathang isip lang siya Marami kasi kaming pwedeng pagusapan tungkol ke Mr Murakami, maghahanap ng balon at sasabihing, halika, dun tayo magkwentuhan Pagandahan pa kami ng balon, yung tipong sasabihin ko na yung sa akin gawa sa red clay Bricks Para astig ang balon ko, may kaunting lumot sa gilid basta walang tubig ito Takot kasi ako sa tubig, sa malalalim, tulad kasi nya, di naman ako natutong lumangoy Psych grad ako, minsa y na psychoanalyze ko na ang di pagkatutong lumangoy, di daw kasi akong marunong mag let go, maraming reservations kaya takot na isiping lumubog at iwan na lang ang lahat Eh ano ngayon,rason ko sa sarili, eh di sa pampang na lang ako lagi, may salbabida naman eh, may life vest Nasubukan ko na ring magSCUBA, lumubog na rin ako na kasama ang guide sa likod ko Di ko kailangang lumangoy.Sa mundo ni Daniel may mga diwata May diwata daw na nabubuo dahil sa pangangailangan Kailangan ng kalikasan, kailangan ng tahanan, kailangan ng laman Ganun din kaya ang tiyanak May tiyanak na nabubuo dahil sa takot, dahil sa lungkot, dahil sa pagkasawi Paano ba sila magkakasya sa kanyang balon eh araw araw siyang may pangangailangan, gabi gabi rin ang tawag ng kanyang lungkot at sawi Pero maari rin palang mamatay ang mga diwata Kailangan lang silang ibaon sa limot, at pagkawari ko y napakadaling gawin iyun sa bayan ng Atisan Nakakapanlumo Ayoko kasing makalimot Ayokong amining mawawala ang alaala ng kaibigang nangibang bansa, ayokong mabura ang ngiti ng high school crush ko, ang hele ng aking ina, ang kiliti ng aking ama Pero ayoko din matandaan na nadisgrasya muna ang kaibigan ko kung kaya t kinailangang magpagamot sa ibang bansa, ang holding hands ng crush ko at ng kaklase ko, ang pagpalo ng aking ina at ang pangungulila sa OFW kong ama Mahirap huminga kung nagsisiksikan kaming lahat ng mga diwata at tiyanak sa aking balon Magigising na lang ako bigla, maaalalang di ako taga Atisan, walang diwata dito at sana nga y walang mga tiyanak.Umikot ikot ako dahil sa nais kong maunawaan ang pangunahing karakter sa librong ito ni Sir Egay Hinabol ko siya sa bawat pahina ng libro, sumama sa tabi ng riverbanks , naki iyak sa tabi ng Sapang Ligaw Gusto ko rin dumungaw sa tuktok ng Banahaw, di ko kasi talagang napagmasdan ang mga ulap dito nung inakyat namin ito Nais ko ring tapusin ang 15 shots sa Cocomangas at magtanggal ng amats sa dalampasigan Hinahabol ko pa rin pala siya Bakit nga ba Marami pa siyang dapat ikwento, may nobela pa rin siyang tatapusin Ilang diwata pa ang dapat mabuo at ilang tiyanak ang lulunurin May balon pa kaming pupuntahan at pilit aakyatin May aral pa akong ipapanayam sa kanya, pakikinggan pa ang pinakamatinding kwento ng buhay niya May libro pa akong ipapa awtograp Di pa niya pala ako kilala Paano ba dapat Iaangat ko lang ba ang aking kamay o tatapikin siya sa balikat Ano ba ang dapat Hi ba o hello Sa kanan o sa kaliwa Diretsahan na lang siguro, ngingiti oo, kailangang ngumiti para di siya matakot at sasabihing, Ako si Blackie Bonifacio, nice meeting you Binubuksan Ng Nobelang Ito Ang Panibagong Yugto Sa Pagsusulat Ng Nobela Malayo Na Ito Sa Tradisyon Ng Mga Romantisista At Modernista, Na Laging Mabigat Sa Dibdib Ang Paglalahad Ng Naratibo Sa Akdang Ito Wala Nang Imposible Sa Materyal At Maging Sa Pamamaraan Ng Paglalahad Nito Tinatangka Nitong Lampasan Ang Wika Ng Isipang Malay, At Wala O Hindi Nangyari Ikinakatuwa Ko Ang Mga Akdang Tulad Nito Na Nangangahas Magpakilala Ng Pagbabago Sa Paglalahad Ng Naratibo Jun Cruz Reyes Walong Diwata ng Pagkahulog Bakit Inihahalintulad sa isang pusa, may siyam na buhay Sa bawat isang pagkahulog isang diwata ang magliligtas sayo sa kamatayan At dahil walo lang, sa pang siyam na pagkahulog siguradong dedo ka na Wala ng diwatang magliligtas sayo, kaya siguraduhin mo na sa pang siyam na buhay ay ayusin mo na ang lahat sayo para hindi na humantong ulit sa pagkalaglag Yun ang pagkakaintindi ko sa titulo, ewan ko na lang sayo kung anu ang sayo.Walong Diwata ng PagkahulogIsang no Walong Diwata ng Pagkahulog Bakit Inihahalintulad sa isang pusa, may siyam na buhay Sa bawat isang pagkahulog isang diwata ang magliligtas sayo sa kamatayan At dahil walo lang, sa pang siyam na pagkahulog siguradong dedo ka na Wala ng diwatang magliligtas sayo, kaya siguraduhin mo na sa pang siyam na buhay ay ayusin mo na ang lahat sayo para hindi na humantong ulit sa pagkalaglag Yun ang pagkakaintindi ko sa titulo, ewan ko na lang sayo kung anu ang sayo.Walong Diwata ng PagkahulogIsang nobelang naglalayon na turuan tayo kung paano gumawa ng makabagong nobela, malayo na sa panahon ng mga antigong makata Mga makabagong paraan ng paglalahad sabi ng iba Maraming elemento ang napapaloob sa bawat kwento, marami ring mga matatalinhaga na magtutulak sayo na magmuni muni nang ilang sandali para mag isip nang napakalalim Sa ilang araw kong binuno sa pagbabasa nito Aaminin ko, madalas akong maligaw sa Atisan Hindi ko madalas nasusundan agad ang nangyayari sa kwento kaya pagkaligaw ang kinahahantungan ko.Medyo mahirap ngang basahin, dahil patagpi tagpi ang mga kwento ng nakaraan ng bidang si Karl Daniel Ayel Mayroong tungkol sa Atisan, merong tungkol sa mga kaibigan, at merong tungkol sa sarili niya mismo Flashback dito, flashback doon Minsan hindi pa tapos ang kwento niya sa isa sisingitan na agad ng isa pa, kaya wala kang magagawa kundi magpatuloy sa pagbabasa, pagbabakasakaling makumpleto ang kwento ng nauna Kung tutuusin hindi naman pangit ang libro Marami punto ang may akda na talaga namang sinang ayunan ko Malulupit din ang mga napili nyang salita sa paglalahad Mapapalawak pa nito ang malawak mo nang imahinasyon Isa lang ang problema, masyadong seryoso ang paraan ng kanyang pagsusulat kaya nakakawalang gana na minsan At minsan ay nakakaantok.Pero sa tingin ko, ito na ang umpisa ng malulupit na nobela na aayon na sa mabilis na modernisasyon ng lipunan Ito na ang simula ng pagkabuhay ng makabagong literatung Pilipino He tries to write the perfect novel but the character s being is incomplete, because the writer is incomplete He tries to uncover the root cause, but it was uncovered to him He tries to find the truth but then he s unable to He went to boracay to search for the missing link Then he dies Because the friend died And his other friend dies Then the other migrated.Eight muses of the fall is the eight ways of dying That is my personal sentiment And really, I felt irritated as I closed the b He tries to write the perfect novel but the character s being is incomplete, because the writer is incomplete He tries to uncover the root cause, but it was uncovered to him He tries to find the truth but then he s unable to He went to boracay to search for the missing link Then he dies Because the friend died And his other friend dies Then the other migrated.Eight muses of the fall is the eight ways of dying That is my personal sentiment And really, I felt irritated as I closed the book Cues WTF face Isa itong kwento tungkol sa isang kwentistang nag kukwento ng kanyang kwento.Iba t ibang paksa ang madadaanan ni Daniel ang bida o siya nga ba habang siya y nag tatalambuhay pagbabasa, panunulat, pag ibig, pagkakaibigan, pulitika, relasyon, pamilya, pag iisa, pilosopiya at pag hahanap Sa totoo lang, marami talagang paksa siyang mapag usapan May mga elemento rin ng mga alamat at mito gaya ng diwata, dwende at tiyanak.Medyo mahirap basahin ang librong ito Di na bale ang talinhaga, p Isa itong kwento tungkol sa isang kwentistang nag kukwento ng kanyang kwento.Iba t ibang paksa ang madadaanan ni Daniel ang bida o siya nga ba habang siya y nag tatalambuhay pagbabasa, panunulat, pag ibig, pagkakaibigan, pulitika, relasyon, pamilya, pag iisa, pilosopiya at pag hahanap Sa totoo lang, marami talagang paksa siyang mapag usapan May mga elemento rin ng mga alamat at mito gaya ng diwata, dwende at tiyanak.Medyo mahirap basahin ang librong ito Di na bale ang talinhaga, pero Una, pabalik balik si Daniel sa kanyang mga kwento maaalala niya ang kanyang nakaraan sa gitna ng pag tatala ng kanyang kasalukuyan Ikalawa, maraming pilosopiya ang nakaukit sa mga pahina nito Mahihirapan ang isang mambabasa sa librong ito kung hindi siya mahilig sa pag iisip ng sobrang malalim Ikatlo, nag iiba ang kapanahunan ng mga pandiwa paminsan minsan Translation verb tenses change every so often May pagkaimportante ito, kaya mabuti na siguro itabi muna ang pagigingGrammar Nazikung may plano mang basahin ang librong ito Ikaapat, dapat bukas ang kaiisipan para sa iba t ibang ideya na ipepresenta ng librong ito Baka mainip o mayamot ka lamang kung hindi mo gagawin ito.Kung hindi naman problema ang mga isinaad ko, sige lang Nag kukwento na si Daniel Hayaan mong mamangha ka sa kanyang mga salita Gusto nyo bang pumasok sa isang labirinto Magmala detektiv O ang maligaw kaya At habang tinatahak ito, kung hindi diwata ang inyong makasalubong, e pangit na tiyanak Kung may mahulog, palagay ko y siyam na buhay naman ang bitbit nyo, ano Tara Isa ito sa maraming aklat na ilang beses kong binuklat sa tuwing tumatambay ako sa tindahan Kung anong pahina ang mabuksan ko, doon ako nagsisimula pero para sa araw lang na iyon Sa mga sumunod na pagbisita ko ibang pahina uli, iba uling tema Kada pu Gusto nyo bang pumasok sa isang labirinto Magmala detektiv O ang maligaw kaya At habang tinatahak ito, kung hindi diwata ang inyong makasalubong, e pangit na tiyanak Kung may mahulog, palagay ko y siyam na buhay naman ang bitbit nyo, ano Tara Isa ito sa maraming aklat na ilang beses kong binuklat sa tuwing tumatambay ako sa tindahan Kung anong pahina ang mabuksan ko, doon ako nagsisimula pero para sa araw lang na iyon Sa mga sumunod na pagbisita ko ibang pahina uli, iba uling tema Kada punta iba ibang kuwento Binili ko na Madalas ganito ako magsimula ng pagbabasa, nanghuhuli muna ng moda para masakyan ko kung anong daloy ng isipan at damdamin ng may akda ang nakapaloob sa kuwento At masasabi ko na ang isang ito y hindi madaling hulihin, mahirap tugisin at talagang nakakaligaw Ang aklat na ito ang talagang hinahanap ko kung saan natagpuan ko ang mga pagbabago sa pagkukuwento at daloy ng naratibo Ibang klase Ang Walong Diwata ng Pagkahulog ay nanalo sa 2005 NCCA Writers Prize at napasama sa 2009 Man Asian Literary Award Ang galing lang diba Wasak na nobela ito kung saan nag ugat ang lahat sa katauhan ni Daniel bilang pangunahing tauhan sa nobela at sa kanyang kabaliwan tungo sa pagsulat at paglikha ng pinakamagandang nobela Sa kanyang pakikipagsapalaran sa pag abot dito, nagsanga sanga ang mga kuwento ng pagkabata, ng pagkakaibigan, ng pamilya, ng pag ibig at ng pagkatao at nasangkot rin ang duwende, tiyanak, multo, sirena, at bayan na punong puno ng misteryo at mahirap ipaliwanag O diba ang saya Naghalo na ang realidad at hiwaga nakalikha ng mundo si Daniel ngunit ang nobela Ang pinakamagandang nobela, nalikha niya ba Bukod sa mga elementong ito, napapatigil ako para uriin kung sinong persona na ang nagkukuwento Si Daniel Si Edgar Arcangel at iba t ibang karakter na biglang sumusulpot ng walang pagpaparamdam Kasama pa ang mga pangyayaring mahirap tukuyin kung kelan naganap , nagsimula at natapos Maging ang mga pilosopikong pag iisip sa mga bagay at mga pangyayaring gumigising sa ating kamalayan.Dumadausdos nang pagkalalim at tuluyan nang nahuhulog at pagdating sa dulo ibinabalik tayo ng kuwento mula sa kabaliwan tungo sa katinuan Nakawiwindang pero sa pag uulit at pagbabasa muli nito naroroon ang kalinawan, nandun ang unawa at kabuohan ng kuwento.Mahusay at matapang si Prof Edgar Samar sa paglikha at pagkakaroon niya ng mataas na antas ng kamalayan sa buong kuwento at kakaibang takbo ng naratibo Binigyan niya ng totoong pagbabagong anyo ang mga naunang uri ng kuwento at pagkukuwento sa nobela.Sa kawasakan ng daloy ng naratibo, naroon ang pagkakaroon ng daluyong ng kaayusan Naiiwan lang ang pakiramdam at mga gunita ng pagkaligaw at pagkahulog.Sa huli ang nobelang ito y napakahusay Kalalabas lang ngayonng taon ang salin nito sa Ingles, ang Eight Muses of the Fall Pang Internasyunal talaga WASAK Sunod nito baka pelikula na Mabuhay ka Sir Egay Eto walang sipsip factor, 5 stars talaga to Intelligently sabog Cleverly wasak Kung kay Aman 1 thumb up to, sakin 2 thumbs up to.Si Edgar Samar ay anak ng diwata.Marami pa akong gustong sabihin To follow na lang. Nahulog rin ako tulad mo Ito ang unang librong dinampot ko matapos manalo ang kupunan namin laban sa kabila grupong nung una akong dumalo sa Meet up ng The Filipino Group dito sa GR.Ang saya nun Kami ang unang nakatatlong tamang sagot at unang rin nanggre raid sa isang kumpol ng mga libro sa isang mesa Napakaraming libro Ang sarap tingnan At mas lalong naging masaya nung nagumpisana nang magkagulo o magkalabo labo sa mga di magkamayaw na pumili ng libro sa mesa Ewan ko kung bakit ko ngay Nahulog rin ako tulad mo Ito ang unang librong dinampot ko matapos manalo ang kupunan namin laban sa kabila grupong nung una akong dumalo sa Meet up ng The Filipino Group dito sa GR.Ang saya nun Kami ang unang nakatatlong tamang sagot at unang rin nanggre raid sa isang kumpol ng mga libro sa isang mesa Napakaraming libro Ang sarap tingnan At mas lalong naging masaya nung nagumpisana nang magkagulo o magkalabo labo sa mga di magkamayaw na pumili ng libro sa mesa Ewan ko kung bakit ko ngayon ko lang muli na alala ang librong to, may kalahating taon na rin ng mapasaakin to At hindi naman ako nagsisisi na ito ang dinampot ko Isinulat ni Edgar Calabia Samar, tubong Samar ay mali, San Pablo, Laguna pala at ngayon kasalukuyang nakatira sa Marikina Itong dalawang lugar rin na ito ang dalawang setting sa nobela Di ko alam kung paano ba ikakategorya ang librong ito o kung papaano ko sasabihin na kaiba ito sa mga nobelang nabasa ko na kadalasan sumasalamin sa mga pangyayari sa ating kasaysayan Hindi ko rin masasabing isang romantiko o madramang nobela bagamat may elemento ng mga kalungkutan Siguro post modernism Ewan ko Hindi ako sanay ikategorya ang mga binabasa ko, marahil gusto ko lang sabihin ay mas kaiba ito o ngayon lang ako naka basa ng ganito Ang kwento ay tungkol sa isang manunulat na nagsusulat at nagiisip ng maisusulat Si Daniel, isang istudyante na madalas magpalit ng kurso sa kolehiyo na gustong maging manunulat at makagawa ng isang nobela Siya ang pangunahing karakter Ang pagtuklas niya sa kanyang sarili ay ang patuloy niya paghahanap ng mga kasagutan o hangganan sa mga hinahanap nya Ewan ko Pero ang wirdo ng librong ito Ewan ko rin bakit sa kabila ng kawirdohan nito, lalo ko itong di mabitawan at tinapos agad Gusto kong mabuo ang kwento, gusto malaman ang nangyari Tagpi tagpi ng alala ang bawat chapter ng libro Tagpi tagping karanasan at nakaraan Medyo mahirap basahin, minsan akala mo may narator, minsan ni Daniel ang nagsasalita Tila may isang malay lang na naglalahad ng hubad niyang kaisipan O isang taong binabalikan ang nakaraan nya, o isang taong tunambangan ng lahat ng alala ng nakaraan sa harap nya Ewan Medyo nakakalito Pero malalaman mo rin ang sagot sa huli May elemento ng pantasya, kwento ng kwento ng iba Kwento ng kwento ng ibang tao pero may kaugnay pa rin sa kanya Wala akong ideya anung nais sabihin ng libro Marahil tulad rin ng sabi sa libro, tayo lang naman ang naghahanap ng mga rason sa likod ng mga pangyayari sa buhay natin, tayo lang rin ang nagbibigay kahulugan Dahil sabi nya, pwede namang nagkataon lang ang lahat Ang tanging nabatid ko, nahulog ako sa kanyang kwento At tila iniwan rin ako nitong nakasabit sa kwento na naghuhumiyaw na sana may karugtong pa, at may mga kapiraso pa ng mga alala na magbubuo dito Sana Ang Pinoy bersyon ni Murakami ngunit may sariling istilo gamit ang kulturang Pilipino.Pinaghalo ang realidad, mga karanasan at mahika dwende, nuno, diwata, aswang..etc.Babanggain at hahamunin ang iyong paniniwala sa pag aaral o pagiging intelektwal, pag ibig, karanasan, pulitika, relihiyon, mga kwentong nagmula pa sa mga ninuno natin.Aalamin ang katotohanan sa paraang kasinungalingan upang bigyan linaw ang mga sobrang pagkakataon na pupukaw sa iyong puso t damdamin na sa huli y isang malaking k Ang Pinoy bersyon ni Murakami ngunit may sariling istilo gamit ang kulturang Pilipino.Pinaghalo ang realidad, mga karanasan at mahika dwende, nuno, diwata, aswang..etc.Babanggain at hahamunin ang iyong paniniwala sa pag aaral o pagiging intelektwal, pag ibig, karanasan, pulitika, relihiyon, mga kwentong nagmula pa sa mga ninuno natin.Aalamin ang katotohanan sa paraang kasinungalingan upang bigyan linaw ang mga sobrang pagkakataon na pupukaw sa iyong puso t damdamin na sa huli y isang malaking kabiguan o trahedya na sisingilin ang iyong konsensiya sapagkat ikaw ay iniligaw ng iyong budhi at pandama.Para sa akin kuwento ito ng apat na magkaka ibigan patungkol sa Atisan na kung saan ay itinuring silang mga Diwata upang magsulat at sila y alalahanin Mga Diwata para sa akin sila Daniel, Eric, Glen, Michael, Orange, Tiyo Tony, Aling Bining, at si Olivia Ang kuwento nila para sa akin ay hango sa Biblia na kung saan ang mga Anak ng Diyos ay hindi pinapag asawa sa mga Anak ng Tao Kabanata Atisan , mahiwaga at may kapangyarihan.Maraming mga kasabihan na hindi mo matatawaran sapagkat sumasalamin sa ating buhay katulad nito Maraming mundo ang bawat tao Gagawin mo iyon kung wala kang makapa Dadagdagan mo kung kulang, hahanapin kapag nawawala Kung matagpuan na, pilit iyong tatakasan ng mga duwag at wawaratin naman ng matatapang para makagawa ng iba Minsan, baka kulang sa karanasan kaya kailangan lumabas, magmasid, makihalubilo sa iba, hanggang madama ang malalim na talab ng larawang sumasalamin sa katotohanan na mapait o marahas man ay may angkin ding kagandahan at kahiwagaan Mahusay at napakagaling 5 stars para sa akin Ako y inaliw, dinala, at iniligaw ng mga Diwata upang makaalam ng makabagong istilo ng pagkukwento o nobela na sadyang pinaghalo ang katotohanan at kahiwagaan


About the Author: Edgar Calabia Samar

Edgar Calabia Samar is a multi awarded poet and novelist from the Philippines His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009 In 2013, he received two Philippine National Book Awards one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 Best Novel , and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela Best Book of Criticism Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children s Book Award for Best 2014 2015 Read in 2016 He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY Salanga Writer s Prize His other books include Pag aabang sa Kundiman Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila gilalas na Nilalang, a children s encyclopedia of Philippine fantastic creatures In 2010, he was invited as writer in residence to the International Writing Program of the University of Iowa.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top